Reggae at dub wizard na si Lee “Scratch” Perry, pumanaw na
NEW YORK, United States (AFP) – Pumanaw na sa edad na 85, ang maimpluwensiyang Jamaican singer at producer na si Lee ” Scratch” Perry.
Walang ibinigay na sanhi ng pagkamatay nito, ngunit ayon kay Jamaican Prime Minister Andrew Holness, pumanaw si Perry habang nasa Noel Holmes Hospital sa Lucea.
Ayon kay Holness . . . “Today Jamaica has lost the rhythm and soul of a prolific music icon who has inspired many. Lee “Scratch” Perry was truly one of the most important and creative figures to have come out of Jamaica.”
Bilang isang producer ng napakaraming artists na kinabibilangan ni Bob Marley, ang pagiging dalubhasa ni Perry ay maraming pinagdaanang panahon at genre, ang kaniyang impact ay kitang-kita mula sa hip hop hanggang sa post-punk, mula sa The Beastie Boys hanggang sa The Clash.
Isinilang noong March 20, 1936 sa rural Jamaican town ng Kendal, si Reinford Hugh “Lee” Perry ay tumigil sa pag-aaral sa edad na 15 para magtungo sa Kingston noong 1960s.
Binuo niya ang sariling label na Upsetter Records noong 1968, matapos magtrabaho sa Clement Coxsone Dodds sound system at sa Joe Gibbs Amalgamated Records, para magtinda ng mga plaka.
Ang unang major single ni Perry na “People Funny Boy,” ay pinuri dahil sa makabagong paggamit nito sa recorded na iyak ng sanggol.
Sumikat si Perry hindi lamang sa Jamaica kundi maging sa ibang bansa laluna sa Britanya, dahil sa kaniyang inventive production, studio wizardry at eccentric persona.
Noong 1973, itinatatag ni Perry ang isang backyard studio sa Kingston na pinangalanan niyang “Black Ark,” na pinagmulan ng hindi na mabilang na reggae at dub classics.
Dahil sanay sa layering ng rhythm at repetition, si Perry ay naging isang halimbawa ng grandmaster na ang mga likha ay bumuo ng mga bagong daan para sa hinaharap ng musika.
Bilang producer para sa marami nang landmark dub records, kasama si Marley, at kolaborasyon kina Max Romeo, Junior Murvin at The Congos, si Perry ang naging susi para madala ang Jamaican music sa international stage, kung saan lumikha siya ng mga tunog na tatagal ng maraming dekada.
Ayon kay Keith Richards . . . “You could never put your finger on Lee Perry, he’s the Salvador Dali of music. He’s a mastery. The world is his instrument. You just have to listen. More than a producer, he knows how to inspire the artist’s soul.”
Ang layering techniques ni Perry ay legendary, kung saan ilan sa ginagamit niya ay mga bato, tubig at kitchen utensils para makalikha ng “surreal, often haunting, sonic density.”
Agence France-Presse