Region 4-B, may pinakamataas na kaso ng mababang timbang at pagkabansot, ayon sa 9th National Nutrition Survey
Problemang pangkalusugan pa rin ang underweight at wasting sa buong bansa.
Batay sa 8th National nutriton survey, ang MIMAROPA ang may pinakamataas na kaso ng mga batang may mababang timbang at bansot sa buong bansa.
Batay naman sa resulta ng 2014 National Nutrition Council Operation Timbang, sampu sa bawat isang daang preschoolers sa Region 4b ay mababa ang timbang sa kanilang edad.
Binigyang diin pa ng DOH MIMAROPA na titiyakin ng kanilang programang tinawag na operation timbang plus height na mararating ng mga underweight at wasted na mga preschoolers doon ang sapat na nutrition para sa kanilang normal body weight at height.
Ulat ni: Anabelle Surara