Regional Mega Health facility sa Calamba city, Laguna, bubuksan na sa katapusan ng Agosto

Inaasahang magiging operational at magagamit na sa katapusan ng Agosto ang itinayong Regional Government Center Mega Health facility na nasa Calamba City, Laguna. 


Ayon kay Bases Conversion and Development Authority (BDCA) Chair and Testing Czar Vince Dizon, mayroon itong 650 bed capacity.

Sa nasabing pasilidad ilalagay ang mga pasyenteng magpopositibo sa Covid- 19, mayroong mild symptoms at asymptomatic. 


Sinabi ni Calamba City Mayor Justin Chipeco na ipinagawa ang Mega Quarantine facility bilang karagdagang pasilidad sa Calamba City at maging sa buong Laguna province.


Ang Mega Quarantine facility ay may Nurse station, mga kuwarto para sa Medical frontliners, shower at comfort rooms para sa mga pasyente at Health workers at ang buong pasilidad ay fully air conditioned. 

Kahapon, pinangunahan nina Laguna Governor Ramil Hernandez, Calamba at City Mayor Atty. Justin Marc Chipeco ang inspeksyon kasama sina Health Secretary Francisco Duque III, DPWH officials, National  Task Force Against Covid -19 Sec. Carlito Galvez, at Provincial Health office ng Calamba city.

-Jet Hilario

Please follow and like us: