Register Anywhere Program ng Comelec sa DSWD sinimulan na
Umarangkada na ang Register Anywhere Program o RAP ng Commission on Elections sa punong tanggapan ng Department Of Social Welfare and Development o DSWD sa Quezon City
Ayon kay Undersecretary Salome Navarro na malaking tulong ito sa DSWD upang mapadali at mapagaan ang pagpaparehistro ng kanilang mga kawani at mga opisyal.
Sinabi naman ni Comelec Chairman George Garcia, na tulad ng DSWD kanila ring pupuntahan ang lahat ng lugar sa bansa upang maipaabot ang serbisyo ng poll body partikular na sa pagpaparehistro ng bawat Pilipino.
Inihayag ni Garcia na bukas January 25 magtutungo sila sa Senado para simulan ang proyekto.
Niliwanag naman ni DSWD Officer in Charge Undersecretary Edu Punay ngayong nasa pilot testing pa lamang ang Register Anywhere Program ng COMELEC ay sa main office muna ng DSWD isasagawa at pag-aaralan pa kung puwede itong dalhin sa mga field office sa buong bansa.
Vic Somintac