Registration para sa COVID-19 vaccination sa SJDM online na
Inilunsad na ng lokal na pamahalaan ng San Jose Del Monte sa Bulacan (SJDM), ang online registration para sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Kailangan lamang sundin ng mga nais magparehistro, ang mga hakbang para sa online registration. Punan ang mga impormasyon na hinihingi sa website.
Para naman sa mga nakapag-fill-out na ng printed registration form mula sa kanilang Barangay, ay hindi na kailangang magsagot ng online vaccination registration form.
Makatatanggap ng confirmation email matapos sagutan ang form. Ito na rin ang magiging basehan ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose del Monte para sa verification at schedule sa pagbabakuna.
Makikita rin ang schedule ng pagbabakuna sa facebook page ng San Jose del Monte Public Information Office.
Mayroong link sa bawat kategorya ayon sa priority list ng Department of Health gaya ng …
A2: Senior Citizens
A3: Adult with comorbidity
A4: Frontline Workers in Essential Sector
A5: Indigent Population
B1: Teachers and Social Workers
B2: Other Government Workers
B3: Other Essential Worker
B4: Socio-demographic Groups
B5: Overseas Filipino Workers
B6: Remaining Workforce
C: Rest of the Population
Ulat ni Kiesha Llaguno