Regrouping ng Maute terror group, aalamin ng Senado
Sisilipin na rin ng Senado ang report na nagsagawa ng regrouping at pagpapalakas ng pwersa ang teroristang grupong Maute.
Ang Maute group ang nasa likod ng pag-atake sa Marawi noong 2017 na tumagal ng halos limang buwan kung saan libu-libong residente ang nawalan ng tahanan.
Sinabi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa, hindi malayo ang posibilidad na muling magpalakas ng pwersa ang Maute group dahil isa itong extremist group na maaring magtago at muling umatake.
Sa pagdinig ng Senado nitong nakaraang linggo, nauna nang sinabi ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) na mayroong mga panibagong pag-atake ang Maute group sa Marawi City.
Hinimok na ni dela Rosa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP), na gumawa ng pro active measure para mapigilan ang anumang posibleng muling pagsiklab ng terroristic attack na maaring magresulta sa panibagong bakbakan.
Meanne Corvera