Regular na inspeksyon sa mga PNP detention cell, ipinag-utos upang mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando sa mga piitan

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang pagsasagawa ng regular inspection sa mga detention cell ng mga istasyon ng pulis upang mapigilan ang pagpasok ng mga kontrabando.

Sinabi ni Eleazar na suportado niya ang Oplan Greyhound ng Manila Police District na pagsasagawa ng regular na inspeksyon sa mga kulungan.

Aniya sa detention level pa lamang ay dapat nang matiyak na napuputol na ang paggawa ng krimen ng mga nakadetine.

Hindi na aniya dapat sila nakagagawa ng mga iligal dahil nasa kustodiya na sila ng pulisya.

Sinabi pa ng PNP chief na sa isinagawang surprise inspection sa ilang detention facilities ng pulisya at nakarekober sila ng mga kontrabando gaya ng cash money, improvised weapons, mga sigarilyo at  playing cards.

Sa pamamagitan aniya ng pagsasagawa ng mga inspeksyon, malalaman kung saan dapat maghigpit para wala nang maipuslit na mga kontrabando,

Kaya asahan na aniya ang mas mahigpit na security measures sa pagbisita ng mga kamag-anak ng mga bilanggo.

Madedetrmina rin aniya dito kung may kapabayaan o sabwatang nangyayari sa pagitan ng mga pulis at bilanggo sa pagpasok ng mga kontrabando.

Please follow and like us: