Rehabilitasyon ng Marawi gagawing prioridad ni Pangulong Duterte
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Task Force Bangon Marawi na ihanda na ang lahat ng plano para sa rehabilitasyon ng Marawi City na sinira ng digmaan ng tropa ng pamahalaan at mga teroristang Maute group.
Sinabi ng Pangulo na mayroon ng inisyal na dalawampung bilyong pisong nakalaan na pondo para maibalik sa normal ang Marawi City.
Ayon sa Pangulo sisikapin niyang ibangon ang Marawi sa sandaling tuluyan ng mabawi ng tropa ng pamahalaan ang Lungsod mula sa kamay ng mga teroristang Maute group.
Inihayag ng Pangulo na pangunahing pagtutuunan ng pansin ng rehabilitasyon ng Marawi City ang ukol sa kabuhayan at edukasyon ng mga Maranao.
Ulat ni : Vic Somintac