Rehabilitasyon sa Boracay, posibleng lumagpas pa ng anim na buwan- DENR
Nagbabala si Environment Secretary Roy Cimatu na maaring lumagpas pa
ng mahigit anim na buwan ang rehabilitasyon at clean-up sa Boracay
island.
Ito’y dahil sa nadiskubreng apatnaput tatlong mga illegal pipes sa beachfront kung saan nagsu-swimming ang mga turista.
Nadiskubre aniya ang mga pipes ng matapos ang survey ng Mines and
Geosciences Bureau ng DENR gamit ang mga ground penetrating radar
dulot na rin ng mataas na lebel ng coliform o bacteria sa tubig.
Inilagay aniya ng mga establishments ang mga tubo kahit walang permit
na isang paglabag rin sa 25 meters “No build Zone” mula sa shoreline.
Sa ngayon tumutulong na aniya ang mahigit 100 sundalo para
tanggalin ang mga tubo.
==============