Rehabilitasyon sa mga eskwelahang nawasak ng bagyong Ompong, dapat unahin

Hinimok na ni Senador Sherwin Gatchalian ang gobyerno na madaliin ang pagkukumpuni at rehabilitasyon sa mga eskwelahan na hinagupit ng bagyong Ompong.

Una nang kinumpirma ng department of education na umaabot sa 7,007 ang mga eskwelahang nasira partikular na sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Zamboanga, at Cordillera Administrative Region.

Ayon kay gathalian, nangangahulugan ito ng maraming kabataan ang pansamantalang matitigil sa pagpasok sa mga eskwelahan.

Maari naman aniyang agad maglabas ng pondo para sa deped na hindi makukwestyon ng coa sa ilalim ng Basic Education Facilities Fund noong 2016 at 2017.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *