Rehabilitation medicine, malaki ang maitutulong sa mga taong nakararanas ng mga uri ng sakit at kirot sa kanilang katawan

 

Ngayong malamig ang panahon, nakararanas ng iba’t-ibang kirot sa katawan ang marami nating mga kababayan.

Ayonk ay Dr. Edgardo Oyehara, isang rehab doctor, sila rin ang tinatawag na duktor ng function.

Aniya, ang pinakamadalas o karaniwang pasyenteng sumasailalim sa rehab medicine ay mga na-stroke kung saan paralisado ang kalahati ng katawan.

Tinutulungan nila ang mga ito upang maging independent.

Bukod sa mga na-stroke, natutulungan rin umano ng rehab medicine ang mga taong may arthritis, sumasakit ang tuhod o balakang.

May payo naman si Dr. Oyehara sa mga taong madalas uminom ng mga pain reliever.

“Unang-una, ang pain reliever kasi sinasabi natin, Pain Reliever, pero at the same time, pantanggal maga kaya nawawala. Kung yung sakit po ninyo ay nanggagaling sa pamamaga, makatutulong po yung pain reliever pero kung ito ay may ibang pinagmumulan, baka delikado na uminom ng pain reliever. So, hindi basta-basta dapat uminom, kailangan, kumunsulta pa rin sa doktor”.

 – Dr. Edgardo Oyehara, Rehabilitation Medicine, Veterans memorial medical center.

Ulat ni Belle Surara

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *