Rehabilitation sa Marawi City at sa mga residente nito, posibleng tumagal ng ilang taon – DOH
Posibleng abutin pa ng ilang taon ang rehabilitation sa Marawi City at sa mga residente nito na apektado ng bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute group.
Ayon kay DOH Assistant Secretary Eric Tayag, ilang taon ang kailangan para ma-treat ang physical lalo na ang mental illness na dulot ng bakbakan sa Marawi.
Sa ngayon may mga indibidwal na silang inilipat sa ospital dahil sa “higher level” ng pag-aalaga na kakailanganin ng mga ito dahil sa naapektuhan na ng gulo sa Marawi ang kanilang pag-iisip.
Una rito, mahigit 40 araw nang nagpapatuloy ang bakbakan sa nasabing lungsod na naging dahilan para ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas militar sa buong Mindanao.