Rejoinder-affidavit inihain ni dating Pangulong Aquino sa DOJ sa reklamong inihain ng VACC
Naghain ng rejoinder-affidavit sa DOJ si dating Pangulong Noynoy Aquino sa reklamong inihaing ng VACC at Vanguard of the Philippine Constitution laban sa kanya kaugnay sa Dengvaxia mess.
Personal na pinanumpaan ni Aquino ang 15 pahinang rejoinder affidavit sa DOJ panel of prosecutors.
Ang rejoinder ay ang sagot ni Aquino sa reply affidavit ng VACC at Vanguard.
Sa July 20 pa ang susunod na pagdinig ng DOJ sa nasabing reklamo.
Nahaharap si Aquino sa reklamong negligence and reckless imprudence, technical malversation, causing undue injuries, at mga paglabag sa Procurement Law.
Iginiit ng mga abogado ni Aquino na wala pang anoman medical findings o mga eksperto ang nagsabi o nag-uugnay sa Dengvaxia na siyang dahilan ng pagkamatay ng mga batang naturukan nito.
Nanindigan din ang kampo nito na dumaan sa ligal na proseso ang naging pag-apruba niya sa pagpapalabas ng pondo para sa Dengvaxia.
Ulat ni Moira Encina