Reklamo ng mga umuwing OFWs, pinaiimbestigahan na sa Senado
Pinaiimbestigahan ni Senador Franklin Drilon sa Senado ang reklamo ng mga Overseas Filipino Workers hinggil sa umano’y kakulangan ng Financial assistance mula sa gobyerno mula ng umuwi sa bansa matapos maapektuhan ng Covid Pandemic sa Abroad.
Sa kaniyang Senate Resolution 417 hiniling ni Drilon na tingnan ang reklamo ng mga OFWs na wala umanong natanggap na cash aid mula ng dumating sa bansa.
Iginiit ni Drilon na hindi dapat kinakapos ng pondo ang OWWA dahil mayroon silang Trust Fund na nanggaling sa kontribusyon ng mga mangagawa ng pinoy.
Bukod dito, taon-taon, may pondo aniya para sa cash aid, legal assistance, career development, support at finance projects para sa mga OFWs.
Sa ngayon, tinatayang umaabot na sa mahigit 250,000 ang mga umuwi ng OFWs dahil sa epekto ng Covid sa buong mundo kung saan mahigit 80,000 aniya sa mga ito ang walang kasiguruhan kung makakablik sa kanilang trabaho.
Ulat ni Meanne Corvera