Reklamo ni Sen. Gordon vs Sen. Trillanes, idineklara ng sufficient in form at substance ng Senate Committee on Ethics
Idineklara na ng Senate Committee on Ethics na sufficient in form at substance ang reklamong isinampa ni Senador Richard Gordon laban kay Senador Antonio Trillanes.
Inasatan na ng Ethics committee na pinamunuan ni Senate Majority Leader Vicente Sotto si Trillanes na sagutin ang reklamo sa loob ng sampung araw.
Sinabi ni Sotto na kapag natanggap ng komite ang sagot ni Trillanes, bibigyan ng pagkakataon si Gordon na sagutin ang tugon ni Trillanes saka sisimulan ang pagdinig sa reklamo.
Nauna nang inireklamo ni Gordon ang aniya’y pattern ng pang-iinsulto at mga mapanirang pahayag ni Trillanes laban sa kanya at iba pang Senador at paninira sa mga institusyon ng gobyerno kabilang na ang Senado.
Pero hindi tinanggap ng Senado ang isa sa mga ginamit na basehan ng reklamo ni Gordon, ang partisipasyon ni Trillanes sa Oakwood mutiny noong November 2007.
Katwiran ng komite, nangyari ang pag aaklas noong hindi pa Senador si Trillanes.
Samantala, ibinasura ng komite ang reklamong isinampa laban kay Sotto dahil sa kawalan ng hurisdiskyon.
Si Senador Panfilo Lacson ang nag apruba ng mosyon na ibasura ang reklamo na siyang nag take over pansamantala dahil sa reklamong kinakaharap ni sotto.
Si Sotto ay inireklamo dahil sa umano’y pang iinsulto kay dating DSWD Sec. Judy Taguiwalo nang pagsabihan ito sa hearing na “ng ano ka lang” dahilan kaya isa itong single parent.
Ulat ni: Mean Corvera