Rekomendasyon ng Senado sa Laptop procurement hindi pa mailabas dahil kulang pa raw ng pirma
Natapos na ng Senate Blue Ribbon Committee ang Committee report at kanilang rekomendasyon kaugnay ng isinagawang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa pagbili ng Laptop ng PS DBM para sa Department of Education .
Ayon kay Senador Francis Tolentino, aabot sa 197 na pahina ang report.
Pero hindi pa ito maaaring isapubliko dahil kulang pa ng lagda ang mga mambabatas.
Nauna nang sinabi ni Tolentino na may mga indikasyon ng sabwatan sa procurement sa pagitan ng mga opisyal ng DepEd at procurement service ng Department of Budget and Management.
Kumpiyansa rin ang Senador na matibay ang anumang kasong kanilang irerekomendang ihain sa gitna na rin ng iba’t ibang dokumento at ebidensyang kanilang nakalap.
Meanne Corvera