Rekomendasyong face to face classes sa bansa, ibinasura ni PRRD
Hindi pa rin pahihintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng face to face classes sa bansa.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque matapos makausap si Pangulong Duterte bago ang isasagawang Cabinet meeting.
Sinabi ni Roque, natatakot ang Pangulo na payagan ang face to face classes sa mga paaralan ng hindi pa napasisimulan ang Mass Vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Ayon kay Roque posibleng sa buwan pa ng Agosto maaaring payagan ng Pangulo ang face to face classes sa bansa.
Kaugnay nito, hintayin na lamang ang desisyon ni Pangulong Duterte kung isasailalim na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang buong bansa kasama ang Metro Manila simula sa Marso.
Vic Somintac