Relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos, lalo pang umigting
Nananatiling matatag ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos
Ayon kay Philippine Ambassador to US Jose Manuel Romualdez, bunga ito ng Brand of Leadership at Independent Foreign Policy na ginawa ng Duterte administration.
Ganito rin ang pagtrato ngayon ng Estados Unidos sa Administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sinabi ni Romualdez na ang utos sa kanila ni PBBM ay paigtingin ang diplomatic ties sa Estados Unidos.
Naniniwala kasi aniya ang Pangulo na nasa balag pa rin ng alanganin ang ekonomiya ng buong mundo dahil sa pandemya at may malaking papel ang Amerika para makatulong na makarekober.
Sabi ni Romualdez, tuloy rin ang mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos kabilang na ang Visiting forces agreement at EDCA o ang Enhance Defense Cooperation.
Sa isyu ng hate crimes laban sa mga Pilipino sa Amerika sinabi ng ambassador na nagpadala na ang Pilipinas ng diplomatic note sa State Department at tinatalakay na doon ang panukalang batas laban sa hate crime.
Kumikilos rin aniya ang embahada para protektahan ang karapatan ng mga Pilipino.
Meanne Corvera