Relief assistance ng US sa mga biktima ng Odette, umabot na sa Php1-B
Maglalaan ang gobyerno ng US ng karagdagang Php950 million ($19 million) na humanitarian assistance para sa mga komunidad na tinamaan ng bagyong Odette.
Ito ang inanunsiyo ni U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’Affaires (CDA) ad interim Heather Variava.
Dahil dito, lagpas na sa Php1 billion($20.2 million) ang halaga ng tulong na naibigay ng Estados Unidos sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID) sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Ayon sa US Embassy, sa pamamagitan ng dagdag na assistance ay makapagbibigay ang USAID ng pagkain, tubig, sanitation, at hygiene programs, at emergency shelter sa mga biktima ng bagyo.
Ang bagong relief assistance ay karagdagan sa Php60 million na tulong para sa logistics at telecommunications support na una nang ipinagkaloob ng US.
Moira Encina