Relief ops ng DSWD para sa Odette victims,patuloy
Tuloy tuloy ang pagdating at paalis ng container trucks na magdadala ng relief goods sa mga lalawigang matinding hinagupit ng bagyong odette.
Mga tauhan ng PNP at Coastguard ang nagboluntaryong mag repack ng mga relief goods.
Bigas at delata ang laman ng bawat box.
Ayon sa DSWD, kahapon anim na 20 footer container van na ang umalis sa DSWD warehouse patungong pier para madala ang mga relief goods.
Ang problema lang ayon sa opisyal nade delay at tumatagal ng dalawa hanggang tatlong araw ang pagdadala ng mga relief packs dahil marami pa rimg stranded sa mga pier at ang iba’y nasira ng bagyo.
Humingi na aniya sila ng tulong sa Armed forces of the philippines para sa mabilis na pagdadala ng ayuda lalo ngayong may mga probinsyang napaulat na nagkaroon na ng looting.
Meanne Corvera