Relocation ng mga nakatira sa malapit sa mga baybayin ng dagat ipinag-utos ni Pangulong Duterte
Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government o DILG at Department of Human Settlements and Urban Development na i-relocate ang mga nakatira malapit sa baybayin ng dagat.
Sinabi ng Pangulo na batay sa geohazard map hindi dapat na mayroong nakatira sa 40 metro malapit sa dalampasigan dahil sa panganib na dala ng storm surge tuwing mayroong bagyo.
Ayon sa Pangulo nabatid sa isinagawang briefing ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC karamihan sa mga namatay sa pananalasa ng bagyong Odette ay nakatira malapit sa baybayin na tinamaan ng daluyong ng dagat.
Inihayag ng Pangulo hindi na dapat payagang makabalik pa sa kanilang dating tinitirahan ang mga survivors ng storm surge dulot ng bagyong Odette.
Vic Somintac