Remittance ng mga OFW noong December 2018, nakapagtala ng record high
Nakapagtala na ng mas mataas na remittances ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) noong December 2018.
Sa inilabas na datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa 3.2 billion dollars ang pumasok na remittances ng mga OFWs noong huling quarter ng taon mas mataas ng 3.6 percent noong 2017.
Ayon kay BSP Governor Nestor A. Espenilla, Jr., malaking tulong ang remittances ng mga OFWpara umangat ang ekonomiya ng pilipinas.
Katunayan, umabot s 9.7 percent ang ambag nito sa gross domestic product ng bansa.
Mayorya ng remittances ay nanggaling sa US, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Canada, Germany, at Hong Kong.
Ulat ni Meanne Corvera