Remulla itinanggi na nagpadala ng mga tao para tiktikan si Teves sa Timor Leste
Wala umanong alam si Justice Sec. Crispin Remulla sa pahayag ni Congressman Arnolfo Teves, Jr., na may mga tauhan umano na ipinadala ang gobyerno o ang DOJ sa Timor- Leste upang manmanan ang kongresista.
Sinabi pa ni Remulla na wala siyang inutusan na mga tauhan para tiktikan si Teves sa ibang bansa.
Ayon sa kalihim, hindi pa ito ang oras at may akmang panahon para rito.
Bigo si Teves na humarap sa unang araw ng pagdinig ng DOJ kahapon sa murder complaints laban dito kaugnay sa Degamo slay.
Iginiit naman ng biyuda ni Negros Oriental Gov. Roel Degamo na si Pamplona Mayor Janice Degamo, na dapat seryosohin at sagutin ni Teves ang mga reklamo laban sa kaniya.
Aniya, dapat managot si Teves sa batas para sa krimen na ginawa nito.
Moira Encina