Remulla kinontra ang panukalang buwagin ang NTF- ELCAC
Hindi dapat pakialamanan ang mga hakbangin ng gobyerno para labanan ang komunismo sa bansa.
Ito ang sagot ni Justice Secretary Crispin Remulla sa rekomendasyon ni United Nations Special Rapporteur Ian Fry na buwagin na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sinabi ni Remulla na parte ng internal mechanism at epektibo ang NTF-ELCAC
Naniniwala rin aniya ang gobyerno na ito ang solusyon para masawata ang komunismo.
Ang DOJ ay bahagi ng NTF ELCAC.
Ayon sa kalihim, may kalayaan na magsalita ng kaniyang pananaw ang UN special rapporteur pero hindi ito kailangan na sundin ng gobyerno.
“Internal mechanism yan sa gobyerno natin. Huwag sila makikialam diyan. Huwag sila makikialam kung paano natin gustong patakbuhin ang ating gobyerno.” pahayag ni Justice Remulla
Moira Encina