Repasuhin o kaya ibasura ang Epira law – Senador JV
Binuhay ni Senador JV Ejercito ang panukalang pagrepaso sa Electric Power Industry Reform Act o Epira Law .
Sa harap yan ng ng pagnipis ng suplay ng enerhiya sa bansa at serye ng Power interruptions.
Ayon kay Ejercito, sa loob ng mahigit dalawang dekadang implementasyon ng batas, kailangang suriin kung nagiging epektibo ang Epira Law.
Dapat anyang tukuyin kung nangyayari ba ang tunay na layunin ng batas na magkaloob ng stable at abot kayang halaga ng kuryente sa mamamayan.
Kung hindi anya ay kailangan ding pag-aralan ang posibleng pag-amyenda o pagbasura sa batas kapalit ng mas epektibong panukala.
Sa paniniwala ni Ejercito ay minadali ang pagbalangkas noon ng batas dahil sa pagsusulong ng interes ng iilan.
Muli namang kinalampag ng Senador ang Department of Energy upang magpatupad ng mga hakbangin upang maresolba ang kakapusan ng suplay ng enerhiya sa buong bansa.
Meanne Corvera