Reporma sa Pension system ng militar , uniformed personnel isusulong ng BBM administration

Isusulong ng Marcos administration ang reporma sa Pension System ng Military and Uniformed Personnel (MUP) para wakasan ang nagbabantang fiscal collapse at makatipid ng P130 Bilyon sa budget ng gobyerno.

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na tinalakay sa isinagawang economic cluster meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang usapin na itinuturing na isang game changing reform.

Aminado si Diokno na kumplikado at iniwasan ng mga nakalipas na administrasyon ang nasabing isyu.

Dati nang tinangka ng mga nakaraang administrasyon na bawasan ang pension ng mga retiradong military at uniformed personnel.

Kung hindi ito isasakatuparan, nagbabala si Diokno na magkakaroon ng fiscal collapse.

Pondo mula sa national government ang ginugugol sa pension system taun-taon ngunit wala namang monthly contribution mula sa mga retirado.

Sa ilalim ng reporma, pagbabayarin na ng kontribusyon ang mga aktibong military at uniformed personnel, gayundin ang mga bagong recruit gaya sa Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS).

Dagdag ni Diokno, sakaling mareporma ang pension system ng militar ay makakatipid ang gobyerno ng P120-P130 Bilyon taun-taon.

Ang isang retiradong sundalo at uniformed personnel ay tumatanggap ng P40,000 pensyon kumpara sa P4,500 na tinatanggap ng SSS pensioner,habang mahigit P13,000 naman sa mga retiradong kawani ng gobyerno sa ilalim ng GSIS.


Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *