Report ng Senate Blue Ribbon Committee sa Dengvaxia controversy welcome sa DOH

Naglabas ng pahayag ang DOH sa balangkas na ulat ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa Dengvaxia.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, welcome sa kanila ang report ng Senado sa Dengvaxia.

sinabi ng kalihim na kaisa sila ng Senate Blue Ribbon Committee sa pagnanais na mapanagot ang mga responsable sa Dengvaxia.

Mula pa anya noong una ay iniutos na niya ang pagtulong ng DOH sa mga imbestigasyon, sa pagtukoy ng mga problema sa proseso at sa pananagutan ng mga opisyal na nagsulong ng anti- dengue vaccination program.

Nakatutok aniya ang DOH sa pagtulong sa mahigit 800,000 kabataan na nabakunahan ng Dengvaxia.

Una nang sinabi ni Senate Blue Ribbon Committee Chair Senador Richard Gordon na dapat managot sa kontrobersiya sina Dating Pangulong Noynoy” Aquino , Dating DOH Secretary Janette Garin at Dating Budget Secretary Florencio Abad.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *