Reporter ng Rappler na si Frank Cimatu hinatulang guilty ng Quezon city Regional Trial Court sa kasong Cyber libel
Sinentensiyahan na makulong ng hukuman ang reporter ng rappler na si Frank Cimatu dahil sa kasong Cyber libel.
Sa desisyong inilabas ni Judge Evangeline Cabochan Santos ng Quezon city Regional Trial Court Branch 93 napatunayang guilty si Baguio city based rappler reporter na si Frank Cimatu kaya pinatawan ng parusang makulong ng mula anim na buwan hanggang limang taon.
Nag- ugat ang kaso laban kay Cimatu matapos ang mapanirang facebook post nito laban kay dating Agriculture Secretary Manny Piñol noong 2017.
Sa reklamo ni Piñol noong September 2017 libelous ang post ni Cimatu na nagsasaad na Agri secretary got rich by 21 million pesos in 6 months bird flu pa more.
Kaakibat ng hatol ng korte pinagbabayad din si Cimatu ng 300,000 pesos bilang moral damages.
Vic Somintac