Request ng DA sa AFP na magpadala ng 400 sundalo sa Pampanga para tumulong sa pagkatay sa mga manok na apektado ng bird flu, aprubado na
Aprubado na ng Armed Forces of the Philippines ang request ng Department of Agriculture na magpadala ng 400 sundalo sa Pampanga para tumulong sa pagkatay sa mga manok na apektado ng bird flu.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgar Arevalo, ngayong araw ang inaasahang deployment ng paunang 100 mga sundalo na manggagaling sa Northern Luzon command.
Sinabi ni Arevalo na isasailalim muna sa briefing ang mga idedeploy na sundalo at tiniyak na mabibigyan ng sapat na proteksyon bago sumabak sa pagpatay sa mga may sakit ng manok.
Sa kasalukuyan, umakyat na sa 600,000 manok sa Pampanga ang target ng mga otoridad na i-depopulate at ilibing sa lupa.