RESBAKUNA kasangga ng Bida, isinagawa sa Baesa
Alinsunod sa proyekto kaugnay ng paghahanda para maiwasan ang lumalaganap na karamdaman dulot ng COVID-19, nagsagawa ng pagbabakuna sa Baesa Elementary School.
Kabilang dito ang mga Barangay 158, 159, 160 at 161. Tinawag itong RESBAKUNA Kasangga ng BIDA.
Layon ng proyekto na mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan ng Caloocan. Ang mga binakunahan ay mula edad 18-59.
Sinusuri muna kung may karamdaman ang isang babakunahan, gaya ng diabetes, highblood at iba pa, at inaalam din kung nais nilang magpabakuna.
Mahigpit ding ipinatupad ang no mask, no face shield, no entry at social distancing.
Ulat ni Mandarin Mercado