‘Resbakuna sa Botika’ dadalhin ng NTF sa Baguio
Dadalhin ng National Task Force Against COVID-19 (NTF), ang “Resbakuna sa Botika” sa Baguio City.
Sinabi ni Presidential Adviser for COVID-19 Response Vivencio Dizon, na tutulong ang NTF para makarating ang rollout ng booster shots sa Baguio City sa gitna na rin ng tumataas na bilang ng mga kaso doon ng Covid.
Aniya dahil maraming vaccinators ang nagkakasakit, kaya dalawang pharmacies muna sa Baguio City ang bubuksan para sa bakunahan.
Noong nakalipas na linggo ay inilunsad ng NTF ang “Resbakuna sa Botika” sa Metro Manila, na naglalayong ilapit sa publiko ang Covid-19 booster shots sa pamamagitan ng paggamit sa mga botika bilang vaccination sites para sa booster shots.
Ayon kay Dizon, naging matagumpay ang pilot run na nilahukan ng ilang kilalang botika, at maging ng ilang pribadong klinika.
Sa ulat ng NTF, nasa 2,242 booster shots ang naiturok sa dalawang araw na pilot run ng “Resbakuna sa Botika at Klinika” sa National Capital Region.