“Resbakuna sa Botika”, planong gawing nationwide sa Pebrero
Plano ng Department of Health na palawigin pa ang “Resbakuna sa Botika” Covid-19 vaccination drive sa buong bansa sa darating na Pebrero.
Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje, Chairperson ng National Vaccination Operations Center (NVOC), mula sa inisyal na 7 farmacia sa Metro Manila na lumahok sa pilot run, palalawigin pa nila ito sa buong National Capital Region at mga Regions 3 at 4-A bilang bahagi ng Phase 2.
Habang gagawing nationwide na pagsapit ng Phase 3 na target gawin sa ikalawang linggo ng Pebrero.
Ayon kay Cabotaje, sa unang 2 araw na Resbakuna sa Botika, nasa kabuuang 1,860 indibidwal ang nabakunahan ng booster na nasa edad 18 pataas.