Resbakuna sa private health workers isinasagawa sa San Fernando, Pampanga
Pinangunahan ni Dr. Carlos B. Mercado katuwang ang Department of Health (DOH), Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (ACDRRMO), at ng City Health Office, ang patuloy na pagsasagawa ng pagbabakuna kontra COVID-19 na ginanap sa Heroes Hall, San Fernando City, Pampanga.
Kasalukuyang prayoridad ng lungsod ay ang private health workers, na kasama sa Sub-priority group A1.1 hanggang A1.6.
Ang mga bakunang ginamit AstraZeneca at Sinovac. Ang AstraZeneca ay ibinakuna sa mga nasa edad 18 pataas kasama ang senior citizens, habang ang Sinovac naman ay ibinigay sa mga nasa edad 18-59 anyos lamang.
Ang kasalukuyang target ng lungsod ng San Fernando na mabakunahan base sa populasyon ay 70% o aabot sa 220,000 katao.Simula noong nakaraang linggo ay umaabot na sa 1,065 ang nabakunahan laban sa COVID-19.
Sa gitna man ng pangambang dulot ng mga bakuna kontra COVID-19, sinisigurado ng Food and Drug Administration (FDA) at ng World Health Organization (WHO) na ang mga ito ay ligtas gamitin.
Ulat ni Isabela Samia