Rescue efforts sa tunnel sa India inihinto muna sa pangamba ng panibagong pagguho
Sinabi ng Indian rescuers na inihinto muna nila ang rescue efforts para sa 40 mga lalaking na-trap sa gumuhong road tunnel, makaraang lumikha ng ‘panic’ ang isang ‘cracking sound’ at pangamba sa posibilidad na muling magkaroon ng pagguho.
Simula pa noong linggo, ay inalis na ang debris mula sa itinatayong road tunnel sa northern Himalayan state ng Uttarakhand sa pamamagitan ng excavators, matapos na gumuho ang isang bahagi ng tunnel na ginagawa ng mga trabahador.
Ang isang linggo nang rescue efforts ay pinababagal nang patuloy na pagkahulog ng debris, at paulit-ulit na breakdowns ng ginagamit na heavy drilling machines.
Ayon sa NHIDCL, ang highways and infrastructure company ng gobyerno, “A sudden cracking sound late Friday had ‘created a panic situation in the tunnel,’ sparking fears the roof could cave in. Operations were then halted amid the possibility of further collapse.”
Tuloy naman ang komunikasyon ng rescuers sa mga na-trap na lalaki gamit ang mga radyo.
Sa report ng Indian media, pinadadalhan ng pagkain, tubig, oxygen at gamot ang mga na-trap na trabahador sa pamamagitan ng isang six-inch-wide (15-centimetre) pipe, pero desperado na anila ang mga nasa loob.
Police and officials stand at the entrance of the road tunnel that collapsed in India’s Uttarakhand state / AFP
Sinabi ni Mohammed Rizwan na bahagi ng rescue team, “We keep sending word in, inquiring about their health. But all of them have just one question: ‘When will you bring us out’?”
Ayon kay senior local civil servant Abhishek Ruhela, hanggang nitong Sabado ng umaga, ang drilling sa tone-toneladang lupa at bato ay naka-hold pa rin.
Aniya, “Except drilling, other necessary work is going on.”
Noong Biyernes ay sinabi ng rescuers, na kalahati na ang kanilang na-drill sa lugar kung saan na-trap ang mga trabahador.
Matapos mag-breakdown ang unang drill, isang kapalit na earth-boring machine ang dinala lulan ng isang airforce C-130 Hercules military plane.
Gayunman ayon sa NHIDCL, “The machine was not able to push further as the machine was getting lifted and the bearings of the machine were damaged.”
Pahayag ng airforce, “A C-17 Globemaster aircraft had flown in ‘almost 22 tonnes of critical equipment’ for the rescue effort.”
Nagbabala naman si HIDCL director Anshu Manish Khalko, na maaaring matagalan pa ang rescue operation.
Aniya, “Engineers are trying to drive a steel pipe about 90 centimetres (nearly three feet) wide through the debris — wide enough for the trapped men to squeeze through.”