Rescuers, patuloy ang paghahanap sa mga nawawala matapos ang nangyaring mudslide sa Norway
OSLO, Norway (AFP) – Patuloy ang ginagawang paghahanap ng Rescue workers para sa mga nakaligtas, matapos wasakin ng landslide ang mga kabahayan sa isang Norwegian village, kung saan sampu katao ang nawawala kabilang ang dalawang bata.
Isang burol ang gumuho sa Ask, 25 kilometro (15 milya) sa hilagangsilangan ng Oslo nitong Martes, na nagbunsod sa paglikas ng nasa isanglibong katao.
Natabunan ng putik ang mga kabahayan, kung saan ang iba ay nahati sa dalawa habang may iba namang nahulog sa gilid.
Ayon sa Norwegian Water Resources and Energy Directorate (NVE), ang nangyari ay isang “quick clay slide” na tinatayang 300 by 800 meters.
Ang Quick clay ay isang uri ng clay na matatagpuan sa Norway at Sweden, na maaaring gumuho at maging likido kapag na-overstress.
Sinabi ni Toril Hofshagen, isang Norwegian official mula sa NVE at kasama sa rescue operations, na kailangang ilikas ng mga tao dahil unstable ang kondisyon bunsod ng mga crack sa lupa.
Nitong Huwebes ay tiningnan ng rescue workers ang dalawang bahay na nag-collapse para hanapin ang mga nawawala subalit wala silang natagpuang katawan.
Sinabi ni Roger Pettersen, operations chief, na ang tuluyang nawasak ang mga bahay na naapektuhan ng clay slide.
Ayon sa pulisya, sampu katao ang nasaktan kung isa sa mga ito ay malubhang nasaktan at inilipat na sa Oslo para sa treatment.
One-fifth ng limang libong populasyon ng munisipalidad ng Gjerdum na kinaroroonan ng Ask ang inilikas.
Binisita naman ni Prime Minister Erna Solberg ang village nitong Miyerkoles, at inilarawan ang nangyaring landslide na isa sa pinakamalaking nangyari sa kanilang bansa.
Nagbabala naman ang munisipalidad na singdami ng 1,500 katao ang kinakailangang lumisan sa rehiyon para sa kanilang kaligtasan.
Una nang umapela ang mga awtoridad sa mga tao na huwag gumamit ng fireworks sa pagsalubong sa Bagong Taon, dahil maaari itong makaapekto sa helicopters at drones na may thermal cameras na ginagamit sa paghahanap sa mga nawawala.
© Agence France-Presse