“Resident Evil” live-action series ng Netflix ilulunsad sa July 14
Ilulunsad na ng Netflix sa July 14 ang upcoming live-action television adaptation ng video series na Resident Evil.
Ang anunsiyo ay ginawa ng streaming service sa kanilang Twitter account kasama ng tatlong posters para sa serye.
Ang mga kaganapan sa serye ng Resident Evil ay sa 2036, 14 na taon pagkatapos magkaroon ng isang worldwide apocalypse dulot ng isang nakamamatay na virus. Sinubukan ni Jade Wesker na mabuhay sa isang mundong puno ng mga zombie habang dinadalaw ng kanyang nakaraan sa New Raccoon City, hinahabol ng mga koneksyon ng kanyang ama na si Albert Wesker sa Umbrella Corporation at inalam kung ano ang nangyari sa kanyang kapatid na si Billie.
Si Lance Reddick ang gaganap bilang Albert Wesker, isang antagonist mula sa video game series. Kasama rin ni Reddick sa serye sina Ella Balinska, Tamara Smart, Siena Agudong, Adeline Rudolph, Paola Nuñez, Ahad Raza Mir, Connor Gossatti at Turlough Convery.
Si Andrew Dabb (Supernatural) naman ang showrunner, executive producer at writer.
Una nang naglabas ang Netflix ng isang Resident Evil animated series na pinamagatang Resident Evil: Infinite Darkness.