Residential area sa Banawe, QC, nasunog….30,000 pisong halaga ng mga ari-arian, tinupok ng apoy
Nilamon ng apoy ang Residential area sa Barangay St. Peter, Banawe Quezon City kaninang madaling-araw.
Alas-2:00 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa dalawang palapag na apartment pero agad din itong inakyat sa ikatlong alarma dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dahil umano sa napabayaang niluluto sa isang mamihan.
Sinabi ni Fire Inspector Melecio Hidalgo, San Antonio fire-sub station commander na dalawang bahay at apat na pamilya ang naapektuhan ng sunog.
Aabot naman sa 30,000 piso ang halaga ng napinsala.
Pasado alas-3:00 na ng madaling-araw nang maapula ang apoy.
Patuloy na inaalam ng BFP ang naging dahilan ng sunog.
Ulat ni Earlo Bringas