Resignation ni Justice secretary Vitaliano Aguirre tinanggap na ni Pangulong Duterte….NCRPO Chief in-coming PNP Chief
Kinumpirma mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinanggap na niya ang resignation ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Kamakailan ay dumalo pa si Aguirre sa Cabinet meeting na ipinatawag ni Pangulong Duterte.
Una ng kumalat ang balitang sinibak ni Pangulong Duterte si Sec. Aguirre bagay na itinanggi naman ng Malacañang.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa kanyang talumpati sa awarding ceremony ng Outstanding Farmers, Fisherfolks, and Coastal Communities (Gawad Saka 2017 and Malinis at Masaganang Karagatan 2017) sa Malacañang.
Sinabi ni Pangulong Duterte, tinanggap na niya pagbibitiw ni Sec. Aguirre na kanyang “brod” sa fraternity.
Hindi naman inihayag ni Pangulong Duterte ang dahilan ng pagbibitiw ni Sec. Aguirre.
Samantala inihayag din ng Pangulo na ang papalit kay PNP Chief Ronald dela Rosa ay si NCRPO Director Oscar Albayalde.