Resigned OPPAP Secretary Dureza walang balak ilagay sa ibang puwesto ni Pangulong Duterte
Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa ibang posisyon si resigned Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza.
Ayon sa Pangulo hindi naman ito humingi sa kanya na mailipat sa ibang pwesto at wala din umanong bakante ngayon sa mga cabinet post.
Una nang kinumpirma ng punong ehekutibo na tinanggap na niya ang resignation ni Dureza matapos masangkot ang dalawang tauhan nito sa isyu ng katiwalian.
Agad naman nilinis ni Pangulong Duterte ang pangalan ni Dureza at sinabing wala itong kinalaman sa corruption controversy sa loob ng OPPAP.
Magugunitang kinumpirma ng Pangulo na sinibak niya sa pwesto si OPPAP Usec Ronald Flores at isang Director IV Yeshter Donn Baccay dahil sa umanoy pagkakadawit nito sa katiwalian.
Ulat ni Vic Somintac