Resolusyon na busisiin ang mga bank records at tagong yaman ni Pangulong Duterte, inihain sa Senado

 

Pinaiimbestigahan na ni Senador Antonio Trillanes ang mga umano’y
tagong yaman ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi idineklara sa
kaniyang statement of assets liabilities at networth o SALN.

Naghain na si Trillanes ng Resolution 602 para hilingin na
imbestigahan ng Senate committee on Banks, Financial Institution and
Currencies ang umano’y unexplained wealth ng Pangulo at anak na si
Davao city Mayor Sara Duterte Carpio.

Tinukoy ni Trillanes ang umano’y mahigit isandaang milyon na joint
deposits at investment  ng Pangulo at anak na si Sara na paglabag
umano sa Republic Act 9160 o Anti-money laundering act.

Kabilang na umano rito ang 48.17 milyong pisong deposito noon pang 2006 na lumobo na sa 55.15 milyong piso.

Bukod pa rito ang mahigit 80 million na insurance policy noong 2014 at
16.85 million na investment.

Iginiit ni Trillanes na ayon mismo sa Pangulo, handa niyang ilantad
ang mga kinukwestyong tagong yaman pero hanggang ngayon wala itong
inilalabas na waiver para mabuksan ang naturang mga kwestyonableng
accounts.

Sen. Trillanes (text message):
“The probe is a direct response to Duterte’s challenge for Congress to
investigate his bank transactions. It is the State’s policy to protect the integrity and confidentiality of bank accounts, and ensure that the Philippines is not used as a money-laundering site for proceeds of unlawful activities”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *