Resolusyon na humihikayat sa UP at DND na muling pag-aralan ang 1989 accord , inaprubahan ng Senado
Inaprubahan ng Senado ang Senate resolution number 616 na humihikayat sa University of the Philippines at sa Department of National Defense na pag-aralan muli ang kanilang 1989 accord.
Nakasaad sa resolusyon na welcome sa Senado ang desisyon ng DND na makipag-dayalogo sa UP at hinihikayat ang DND na makipag-usap sa iba pang academic institution.
Ayon kay Senator Kiko Pangilinan na nag-sponsor at nagtulak ng resolusyon , kailangan nang mag-usap ng UP at DND para maresolba ang mga isyu.
Nag-abstain naman si Senator Ronald bato Dela rosa sa pag-apruba ng resolusyon dahil suportado niya ang pagbasura ng kasunduan.
Sinabi pa ni Dela rosa , hindi siya anti-UP na kinilala niyang pinagmulan ng Best and Brightest na naging mga lider ng bansa kabilang ang ilang kapwa Senador.
Pero siya raw ay anti – CPP-NPA-NDF dahil wala aniyang pakinabang ang bansa sa existence nito – dahil marami na itong napatay na mga pulis at sundalo dahilan din kaya hindi tuluyang maging maunlad ang bansa.
Meanne Corvera