Resolusyon na nagpapaimbestiga sa anomalya sa SAP ng DSWD, inihain na ni Senador Pacquiao
Naghain na ng resolusyon si Senador Manny Pacquiao para paimbestigahan ang umano’y kabiguan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maipamahagi ang 10.4 bilyong Social Amelioration Program.
Inihain ng Senador ang Senate Resolution 779 dalawang linggo matapos ibunyag ni Pacquaio ang umano’y katiwalian sa pamamahagi ng ayuda sa pamamagitan ng e-wallet na starpay.
Sa resolusyon, sinabi ng Senador na aabot lamang sa 500,000 mula sa 1.8 million beneficiaries ang nakapag-download ng starpay apps.
Sa sistema aniya hindi makatatanggap o makakapag-withdraw ang sinunang beneificiary kung hindi ida-download ang naturang apps.
Kuwestyon ng Senador, saan napunta ang ayuda para sa 1.3 million beneficiaries.
Nauna nang itinanggi ng DSWD na nawawala ang pondo.
Giit ng DSWD, April 2021 pa kinansela ang financial service providers kaya manu-mano na lamang ang ipinamahaging pondo sa mga benificiaries.
Inulit ni Pacquiao na hindi sya nakikipag-away sa Pangulo.
Ginawa niya lang aniya ang kaniyang trabaho na ibunyag ang katiwalian dahil mismong ang Pangulo ang nagsabing ayaw nito ng korapsyon.
Statement Sen. Pacquaio:
“Hindi ako nakikipag-away sayo, Mr. President. Ang alam ko ayaw mo rin ng korapsyon. Kahit ilang beses tayong nag-uusap, Mr. President, lagi kong sinasabi sa iyo na ayaw ko ng corruption”.
Aminado si Pacquaio na masama ang loob niya sa aniya’y grabeng pambubugbog ng administrasyon at grabeng paninira sa kaniya.
“Grabe ang pag-atake sa akin, grabeng paninira sa akin wala naman akong sinasabi, hindi naman ako nagnakaw, hindi naman ako nanloko ng tao, hindi naman ako nang-agrabyado”.
Ayon sa Senador pagbalik niya sa bansa pagkatapos ng kaniyang laban ilalabas niya ang audio at video at recordings na patunay sa nangyaring katiwalian.
Meanne Corvera