Resolusyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso para imbitahan si Pangulong Duterte sa joint session natanggap na ng Malakanyang

Natanggap na ng Office of the President ang resolusyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso para sa pormal na imbitasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa joint session sa Batasan Complex Qiezon City ngayong hapon.

Sa joint session ng Kongreso ilalahad ni Pangulong Duterte ang kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA.

Inaasahang darating sa Batasan Complex si Pangulong Duterte ganap na alas 3:30 ng hapon.

Sasalubungin siya nina AFP Chief of Staff General Eduardo Ańo, Senate Sergeant at Arms Retired Major General Jose Balajadia, House of Representatives Sergeant at Arms Retired Lieutenant General Rolando Detabali.

Bibigyan din ng arrival honor ang Pangulo kasama sina Senate President Aquilino Pimentel III at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ganap na 3:55 ng hapon magtutungo na sa session hall ang Pangulo kasunod ng pagbubukas ng joint session ng Senado at mababang kapulungan ng Kongreso.

Alas 4:00 ng hapon ilalahad na ni Pangulong Duterte ang kanyang ikalawang SONA na inaasahang tatagal ng humigit kumulang 50 minuto depende sa gagawing delivery ng Chief Executive.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *