Resolusyon ng limang US Senators para sa kaso nina Senadora Leile de Lima, Maria Ressa at isyu ng EJK, tahasang pakikialam sa kalayaan ng Pilipinas- Malakanyang
Inakusahan ng Malakanyang ng tahasang panghihimasok sa pamamalakad ng katarungan sa bansa ang resolusyon ng limang senador ng Estados Unidos.
Sinabi ni Preaidential Spokesman Salvador Panelo na wala sa lugar ang resolusyon ng limang US senators na humihiling na palayain na si Senadora Leila de Lima at ibasura ang kaso ni Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa gayundin ang pagsusulong ng imbestigasyon ng international community sa mga umanoy kaso ng Extra Judicial Killings o EJK sa bansa.
Ayon kay Panelo nalilimutan ng limang dayuhang senador na ang Pilipinas ay malayang bansa at hindi na kolonya ng Amerika.
Inihayag ni Panelo nagpapagamit lang ang limang senador ng Amerika sa mga grupong nais ibagsak sa kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Niliwanag ni Panelo ang pagkakakulong ni Senadora de Lima ay may kaugnayan sa pagkakasangkot nito sa opoerasyon ng ilegal na droga samantalang ang kaso naman ni Maria Ressa ay may kaugnayan sa paglabag sa Tax Evasion Law at Anti- Dummy Law.
Iginiit din ni Panelo na ang ukol naman sa isyu ng umano’y EJK na may kaugnayan sa anti illegal drug war ng pamahalaan ay hindi kinukonsenti ng gobyerno ang pagpatay ng walang dahilan.
Binigyang diin ni Panelo karamihan sa mga napapatay sa anti illegal drug war ng pamahalaan ay pawang lumaban sa lehitimong police operations.
Ulat ni Vic Somintac