Resolusyon ng mga minority senators na palayain na si Senador Leila de Lima, ipinauubaya ng Malakanyang sa hukuman
Ipinasa ng Malakanyang sa hukuman ang desisyon sa resolusyon ng Minority senators na pakayin na si Senadora Leila de Lima.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nasa kamay na ng hukuman kung ano ang magiging desposisyon sa kaso ng senadora.
Nakakulong sa PNP Custodial center sa Kampo Krame si De Lima dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.
Inihayag ni Roque na sana hindi iniimpluwensyahan ng mga senador ang mga hukom.
Binati pa ni Roque si De Lima ng Happy first anniversary sa kulungan.
Batay sa resolusyon ng minority senators, dapat ng makalaya si De Lima dahil iligal umano ang pagkakaaresto s akaniya at wala umanong matibay na ebidensya sa kasong pagkakasangkot sa operasyon sa iligal na droga sa bansa.
Ulat ni Vic Somintac