Resolusyon ng UNHRC na imbestigahan ang War on Drugs ng pamahalaan, walang epekto sa ating bansa – ayon sa isang Political Analyst
Walang epekto sa ating bansa ang hakbang ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na rebyuhin o imbestigahan ang anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagamat hindi na mapipigilan ang UN report, sinabi ni Political Analyst Prof. Ramon Casiple na may sovereign rights ang Pilipinas na tanggihan o payagan ang gagawing imbestigasyon.
Ibig sabihin, kailangan pa rin ng kooperasyon ng ating gobyerno para maisakatuparan ang imbestigasyon.
Ito ay kahit pa gamitin ng mga bansang bumoto pabor sa nasabing resolusyon ang kanilang State powers para i-pressure ang ating bansa.
Pero wala pa ring political effect ito sa ating bansa at kung kikilos man ang UN ay kailangan pang aprubahan ito ng UN Security Council na binubuo ng mga bansang may major powers gaya ng Estados Unidos, Russia, China, Britanya at Pransya.
“Yan ganyang desisyon ay sovereign decision yan ng mga member countries kaya di nila tayo mapipilit kung ayaw natin”.