Resolusyon para imbestigahan ang mga kontratang pinasok ng pamilya ni SAP Bong Go inihain sa Senado
Naghain na si Senador Antonio Trillanes ng resolusyon na humihiling na imbestigahan ang multi -billion pesos Public Works contract na nakuha ng ama at kapatid ni Special Assistant to the President Bong Go.
Sa kaniyang Senate Resolution 889, nais ni Trillanes na busisiin ng Committee on Civil Service Government reorganization kung saan sya ang chairman ang isyu ng posibleng conflict of interest sa mga government contracts na nakukuha ng mga opisyal at kawani ng gobyerno.
Tinukoy sa resolusyon ang umanoy pagbuhos ng pondo ng Department of Public Works and Highways sa Davao region na umaabot sa P1.85 bilyon mula 2007 hanggang 2017.
Ito ang CLTG Builders at Alfrego Builders and Supplies na sinasabing pag aari ng ama at kapatid ni Bong Go.
Bukod pa dito ang 2.7 bilyong pisong kontrata noong 2017 na nakuha ng apat na contractors kasama na ang Alfrego Builders.
Ulat ni Meanne Corvera