Resolusyon para imbestigahan ang nakatakdang pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez, ihahain sa Senado
Maghahain na ng resolusyon si Senate minority leader Franklin Drilon para paimbestigahan sa Senado ang dahilan ng nakatakdang pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.
Nais ni Drilon na pagpaliwanagin ang Board of Pardons and Parole (BPP) sa kanilang desisyon dahil ang kaso ni Sanchez ay may sentensya na 7 counts o katumbas ng 40- taong pagkakabilanggo.
1995 nang mahatulan si Sanchez kung saan si Drilon ang Secretary of Justice.
Nais malaman ng Senador kung tama ba ang implementasyon ng batas na maaring paiksiin ang sentensya kung walang nalabag na batas habang nasa bilangguan.
Pero hindi kumbinsido si Drilon na in good conduct behaviour ang batayan kay Sanchez dahil may mga impormasyon na sangkot ito sa illegal drug trade at nabibigyan ng special treatment sa loob ng New Bilibid Prison.
Umaapila si Drilon sa BPP at kay Justice secretary Menardo Guevarra na huwag munang ipatupad ang desisyon kay Sanchez hangga’t walang resulta ng imbestigasyon ng Senado.
Ulat ni Meanne Corvera