Resolusyon para imbestigahan ang suhulan sa Bureau of Customs inihain na sa Senado
Hiniling na ni Senador Antonio Trillanes na magsagawa ng parallel investigation ang Senado sa expose ni Senador Panfilo Lacson hinggil sa umano’y pagtanggap ng lagay ng mga opisyal ng Bureau of Customs.
Sa resolution 474, hiniling ni Trillanes na imbestigahan ng Committee on Ways and Means ang posibleng paglabag ng mga opisyal sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Hiwalay pa ito sa isinasagawang imbestigasyon ng Blue Ribbon Committeer sa isyu naman ng pagkakapuslit ng ₱6.4 billion shabu shipment sa BOC.
Iginiit ni Trillanes na bilyun bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa katiwalian sa revenue agency ng gobyerno.
Tinukoy nito ang global financial integrity noong 2004 kung saan umabot sa ₱19 trillion ang nawala sa gobyerno mula 1960 hanggang 2011 dahil sa smuggling at katiwalian sa importation.
Bukod sa privelege speech ni Lacson, maari rin aniyang gamiting batayan ang pahayag ng broker na si Mark Taguba na lingo-lingo itong nagbibigay ng tara sa mga opisyal sa Customs mula Commissioner hanggang sa pinaka mababang lebel ng opisyal sa Customs.
“It is therefore imperative upon the Senate to study and formulate remedial legislation to strengthen existing laws and/or correct implementation loopholes in order to finally carry out reforms in the BOC, and to restore the confidence of the public in the said bureau that carries out such a relevant revenue-generating function “. – Sen. Trillanes
Ulat ni: Mean Corvera