Resolusyon para paimbestigahan ang pag -aresto sa mga tambay, inihain na sa Senado

Pinaiimbestigahan na ni Senador Bam Aquino ang patakaran ng pamahalaan
laban sa tambay.

Nais ipabusisi ni Aquino sa Senate Committee on Public Order and
Dangerous Drugs ang pagkamatay ni Genesis “Tisoy” Argocillo, na
nasawi habang nasa kustodiya ng Quezon City Police District.

Sa Resolution No.  772, tinawag ni Aquino ang kampanya laban sa tambay
bilang anti-poor.

Naniniwala ang Senador na hindi namatay si Argoncilllo kung hindi
ipinatupad ang patakaran na ang target lang ay mahihirap.

Kailangan aniyang malaman kung walang nalalabag ang PNP sa anti-tambay
campaign at kung tama bang sila ang magpatupad ng mga ordinansa sa
halip na ang mga Barangay officials.

Senador Bam Aquino:
“Maraming mga detalye na hindi tumutugma, pero ang malinaw sa akin,
hindi dapat namatay si Tisoy. Hindi siya mamamatay kung hindi pinatupad ang isang polisiya na nakatarget ang mahihirap”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *